musicas.mus.br

Letras de músicas - letra de música - letra da música - letras e cifras - letras traduzidas - letra traduzida - lyrics - paroles - lyric - canciones - TAGUMPAY NATING LAHAT - LEA SALONGA - música e letra

Utilize o abecedário abaixo para abrir as páginas de letras dos artistas

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Tagumpay Nating Lahat letra


Ako`y anak ng lupang hinirang
Kung saan matatagpuan
Ang hiyas ng perlas ng Silangan
Nagniningning sa buong kapuluan

Taglay ko ang hiwaga ng Silangan
At saan mang bayan o lungsod
Maging Timog, Hilaga at Kanluran
Ang Pilipino ay namumukod

Refrain:
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko`y tagumpay nating lahat

Ako ay may isang munting pangarap
Sa aking dakilang lupain
At sa pagsasama-sama nating pagsisikap
Sama-sama ring mararating

Ang iba`t ibang galaw, iisang patutunguhan
Dito isang araw, isang kapuluan

Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko`y tagumpay nating lahat
Hangad ko`y tagumpay nating lahat

Lea Salonga - Letras

top 30 músicas

©2003 - 2024 - musicas.mus.br